Negosyo Para Sa OFWAng website na ito, Negosyo Para Sa OFW, ay kalipunan ng mga kaalaman sa pagnenegosyo na pwedeng gamitin ng isang Overseas Filipino Workers (OFW). Ang layunin ng website na ito ay makapagbigay ng kaalaman o dagdag na kaalaman sa mga OFW na walang background o business degree subalit may kakayahan na magnegosyo. Kagalakan ng may-ari ng website na ito na matulungan silang pumili ng negosyong papasukin. Nawa'y maging instrumento ang website na ito sa pagkakaroon ng financial security at magandang kinabukasan ng mga returning OFW kasama ng kanilang pamilya sa ating bansa. Sana sa kahit paanong paraan ay makatulong ang website na ito sa mga OFW na nangangarap magnegosyo o magkaroon ng alternative jobs locally kapalit ng pangingibang bayan. Hinihikayat ng may-ari ng website na ito ang mga negosyanteng kababayan na may kumikitang negosyo na makapagbahagi ng mga kaalaman sa negosyo sa pamamagitan ng pag-gamit ng Contact Form sa ibaba para lubusan natin matulungan ang ating mga kababayang OFW, ang mga bagong bayani ng ating bayan. Makaaasa kayo na ilalathala natin ang mga kaalaman na ibig ninyong maibahagi sa ating mga kababayan. Maraming salamat po at go go negosyo na tayo.
Para sa kabatiran ng ating mga kababayan, ang nakalathala sa pahinang ito ay ilan sa mga buod ng tinatawag na mga better business ideas na pwedeng magamit sa conceptualization ng pipiliin ninyo na business. At para sa lubusang kaalaman kailangan ninyo na gawin ang market research or feasibility study para sa tiyak na pagkita. Kailangan din ninyo na pag-ukulan ng pansin ang bahaging teknikal o technology na may kinalaman sa napiling negosyo sa Pilipinas. Bukas din po ang pahina ng website na ito para sa paglalathala ng mga patalastas o advertisement na may kinalaman sa ibat ibang money making ideas or businesses upang makaabot sa kaalaman ng mga bumibisita sa website na ito ang mga impormasyon na may kinalaman sa mga products or services ninyo. Mangyari po na makipag-ugnayan sa may-ari ng website sa pamamagitan ng Contact Form sa ibaba. Goat FarmAng karne ng kambing ay isa sa maituturing na mamahaling karne kaya ang pag-aalaga nito ay isa magandang pagkakitaan. [Read more about Goat Farm]
E-loading BusinessMagtinda ng celphone load or prepaid loads sa pamamagitan ng VMobile. Pwede mong pagkakitaan ang existing celphone mo sa pamamagitan ng pagbebenta ng load 24/7 ng mga celphone loads ng mga sikat na TELCOS (SMART, GLOBE and SUN) at iba pang prepaid loads using your existing simcard. [Read more about E-loading Business]
Sari-sari StoreHindi kalakihang halaga ang kailangan sa negosyong ito. Sapat na kaalaman sa pagkukwenta ay kailangan. [Read more about Sari-Sari Store]
Equipment RentalsAlamin sa inyong lugar kung ano ano ang mga equipment o kagamitan na madalas hinahanap ng mga kabahayan subalit iilan lang ang meron nito. [Read more about Equipment Rentals]
Restaurant BusinessIsa sa kailangan para magtagumpay ang negosyo ay dapat na hilig mo ito. Kung may hilig ka sa pagluluto ay mabuti para sa iyo ang magtayo ng restaurant. [Read more about Restaurant Business]
Pampasaherong Jeepney or TricycleNangangailan ito ng medyo malaking halaga at dahil sa madali itong pagkakitaan kaya marami ang pumapasok sa negosyong ito. [Read more about Pampasaherong Jeepney or Tricycle]
BakeryKung hilig mo ang baking at meron kang good location ay maituturing din na magandang negosyo ang bakery. [Read more about Bakery]
Partnership with Farmers as CapitalistMaraming sakahan sa mga probinsiya ang nangangailangan ng capital para mabungkal at dahil dito maituturing na magandang pagkakitaan ang magpahiram ng salapi o financing na magagamit sa pagsasaka sa terms and conditions na kikita ang salaping inilagak mo sa kanila ayon sa magiging pagkita ng sakahan. [Read more about Partnership with Farmers as Capitalist]
Greenhouse for High Valued CropsAng mga high valued crops gaya ng lettuce, capsicum, cherry tomatoes at celery ay ilan lamang sa mga mabuting itanim at pagkakitaan. [Read more about Greenhouse for High Valued Crops]
Backyard FishpondSapat na supply ng fresh water at hindi kalakihang lugar ang kakailangan mo para sa isang palaisdaan na kung saan ay pwede kang mag-alaga ng tilapya, hito, prawn o lobster. [Read more about Backyard Fishpond]
Real EstatePwede mong gamitin ang pera mo sa pagbili ng lupa bilang isang uri ng investment sa real estate. Pataas ang halaga nito habang tumatagal kaya sure na may kita ikaw habang hinihintay mo ang panahon na mabento ito. [Read more about Real Estate]
Food CartIsa sa mga patok na negosyo at maliit ang puhunan ay ang food cart. Maliit din lang ang puhunan dito at tumatas ito ayon sa kung anong uri at gaano ka-popular ng pagkain ang ititinda mo. [Read more about Food Cart]
Home-Made BusinessMaraming produkto na pwede mong gawin sa bahay lang at ibenta. Kaunting kaalaman kasama ang tiyaga ay kikita ka na. [Read about Home-Made Buisness]
Car Rental BusinessMalaki rin pagkakitaan ang car rentals. Pwede ka magsimula sa second hand or slightly used na van or pick-up para hindi masyadong malaki ang puhunan na kakailanganin. [Read more about Car Rental Business]
|
|
|
|