Restaurant BusinessIsa sa kailangan para magtagumpay ang negosyo ay dapat na hilig mo ito. Kung may hilig ka sa pagluluto ay mabuti para sa iyo ang magtayo ng restaurant. Sa simula lang kakailanganin mo ang sapat na capital at pakatapos nito ay magiging rotating fund mo na ito sa pang-araw-araw na business activities. Good location din ang isa sa mahalagang factor para sa success ng business na ito dagdag sa trade secrets na tinatawag para balik-balikan ka ng customer.
Ngayon pa lang kabayan habang nasa abroad ikaw ay sikapin mong madevelop ang skills mo sa cooking hanggang mamaster mo ito para handang handa ka na kung sisimulan mo ang restaurant business sa Pilipinas. Kung sobra limitado ang kapital mo at walang kakayahan na bumili o mag-rent ng lugar para sa restaurant ay mabuti na simulan mo muna sa Pack-Meal Business. Kausapin mo ang mga friends mo na nagtatrabaho sa malalaking company na ikaw na ang magsusuply ng meals nila para hindi na sila magbaon or bumili sa iba. Proper choices lang at planning ng menu with good presentation at packaging sure na kikita ang negosyong ito. Later on pwede mo na simulan ang Restaurant Business kapag nakaipon ka na ng pang-rent or pangbili ng place. Kabayan kailangan mo ba ng souvenir or giveaway items for your special occasions? (Click for more information) |
|