Real EstatePuwede mong gamitin ang pera mo sa pagbili ng lupa bilang isang uri ng investment sa real estate. Pataas ang halaga nito habang tumatagal kaya sure na may kita ikaw habang hinihintay mo ang panahon na mabenta ito. Kung hindi mo ibebenta ang lupa ay pwede mo itong pagyamanin sa pamamagitan ng pagsasaka kung siya ay isang lupang sakahan. Pwede rin naman ipabungkal sa iba para kabahagi ka sa kita. Tandaan din natin na nakapagpapataas ng value ng lupa ang mga pananim or fruit-bearing trees na meron ito. Kapag naka-acquire ka na ng agricultural land ay taniman mo ng iba't-ibang puno gaya ng mangga, niyog, kalamansi, lansones, abokado at marami pang iba. Maliban sa fruit-bearing trees ang iba ay nagtatanim naman ng mga punong kahoy na pwedeng gawing sangkap sa bahay o lumber gaya ng mahogany at nara. Kung ang lupa ay nasa residential o commercial na lugar puwede mo itong lagyan ng establishment na pwedeng parentahan o gamitin mismo sa iba pang business mo.
Kung meron ka rin lang na sapat na kapital, maituturing na magandang negosyo ang buy and sell ng real property o real estate. Sa pagkakataong ito kikita ka na at makatutulong ka pa sa ating bansa sa pamamagitan ng capital gain tax na ipapasok mo sa kaban ng bayan everytime na magbenta ka ng property. Kabayan kailangan mo ba ng souvenir or giveaway items for your special occasions? (Click for more information) |
|